Tila nahihirapan daw humanap ng ige-guests si Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano sa kaniyang self-titled talk show sa ALLTV (AMBS 2), ayon sa latest episode ng "Showbiz Now Na."
Naniniwala aniya si Cristy na kahit malakas sa social media ang "Toni Talks," ibang usapin naman daw sa kaniyang "Toni" na talk show sa bagong bukas na network ng mga Villar.
Espekulasyon ng showbiz columnist, may kinalaman pa rin ito sa usaping politikal noong nagdaang halalan. Hirap na hirap daw si Toni na mag-imbita dahil "nakalaban" niya sa kampanya noon ang celebrities na nais sana niyang makapanayam.
Naibahagi rin ni Cristy na para sa kaniya, wrong timing ang ALLTV sa pakikipagsabayan sa mga kakompetensiyang TV networks sa bansa.
Kahit si Willie Revillame raw ay tila hindi na napag-uusapan matapos nitong ilipat ang "Wowowin" sa estasyon ng kaibigang si dating Senador Manny Villar.
Parang ang hirap daw i-angat pataas ang network dahil aminado naman daw ang mga Villar na nagsisimula pa lamang sila from scratch.
Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni Toni o pamunuan ng ALLTV tungkol dito.