Nanawagan sa Senado ang singer-actor na si Ice Seguerra upang simulan na ang plenaryo sa pagdinig ng kontrobersiyal na "Sexual Orientation, Gender Identity, and Gender Expression o SOGIE Equality Bill at huwag nang magpatumpik-tumpik pa.

Si Ice ay isa sa mga celebrity na nagsusulong dito, gayundin ang kaniyang partner na si Liza Diño na dating chairperson ng Film Development Council of the Philippines o FDCP.

Naka-all caps pa nga ang titulo ni Ice sa kaniyang Instagram post nito noong Enero 24.

"URGENT ALARM, MGA LGBTQ+ AT MGA ALLIES," aniya.

National

Tinapyasang budget ng opisina ni VP Sara, ‘di na dapat baguhin – Sen. Risa

"There are attempts to delay, ONCE AGAIN, the SOGIE Equality Bill from being deliberated in the Senate Plenary. Mga bakla, all eyes on the Senate tomorrow at hanggang mapasa ang batas."

"I-tweet at i-email ang mga Senador na full support tayo sa SOGIE Equality Bill na i-debate na sa plenaryo. Magpost sa lahat ng social media (Tiktok, FB, at IG) at i-tag ang mga accounts ng mga Senador at mga kaalyado, lalung-lalo na sila Senate President Migz Zubiri at Majority Floor Leader Joel Villanueva," panawagan ni Ice.

"Ang pagbabalik sa committee ng SOGIE Equality Bill para maging parte ng iba pang bill o komite ay paglusaw at pagdelay nito."

"Tama na ang delaying tactics. Tama na ang pasikot-sikot. Senators, stop hiding and stop delaying. I-plenary na ang SOGIE Equality Bill."

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

"Paano naman ang food security? Ang daming Pilipinong nagugutom! Uunahin pa ba 'yan?"

"Lahat ng bagay pwede enjoy pero ito ay dapat isipin na may judgement… pwede maging masaya basta ito ay ayon sa Dios na may likha ng tao."

"Maraming bagay ang dapat pag-usapan o unahin hindi yang SOGIE na 'yan… ang kalooban ng Diyos ang dapat mangyari hindi ang kalooban ng tao."

Sinagot naman ni Ice ang isang netizen na tila iniuugnay ito sa pagpapasa ng same-sex marriage.

"No, this is anti-discrimination and in no way connected to civil union. This bill is needed to protect everyone who is discriminated based on their sexual orientation, gender identity and expression," paliwanag ni Ice.

"Napakalayo po nito sa same sex marriage. That is a totally different discussion."