Iuuwi na sa bansa ang babaeng overseas Filipino worker (OFW) na pinatay at sinunog ng 17-anyos na lalaking anak ng amo nito, ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Huwebes.

Ayon kay DFA Undersecretary for Migrant Workers Affairs Eduardo De Vega, inaasahan ang pagdating sa Pilipinas ng bangkay ni Jullebee Ranara, 35.

Aniya, sasagutin ng ama ng 17-anyos na suspek, ang lahat ng gastos sa pagpapauwi sa bansa ng bangkay.

Nagbigay na rin ng abogado na hahawak sa kaso ang embahada ng Pilipinas sa Kuwait at patuloy na nakikipagtulungan sa gobyerno ng Kuwait para sa hustisya sa pinaslang na manggagawa.

Matatandaang nadiskubre ang sunog na bangkay ng biktima sa disyerto ng Kuwait noong nakaraang Linggo.

Nauna nang tumutoksa kaso ang Department of Migrant Workers sa pamumuno ni Secretary Susan Ople.

Nasa kustodiya pa rin ng mga awtoridad ang suspek.

Tiniyak naman ng DMW na bibigyan ng tulong ang naiwanang pamilya ni Ranara, katulad ng pagbibigay ng scholarship sa apat na anak nito.