Nangako ang bagong coach ng TNT na si Jojo Lastimosa na nag-a-adjust pa ito sa paghawak sa koponan sa kabila ng nasungkitna unang panalo laban sa Phoenix Fuel Masters, 123-119, sa PBA Governors' Cup sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.
Kabilang sa nakikita ni Lastimosa ang kanilang depensa kaya dikit lamang ang kanilang laban hanggang sa matapos ito.
"I'm still groping. I need to be better. The players need to be better and we wanna improve every game," paniniyak nito.
Ibinigay kay Lastimosa ang paghawak ng koponan dahil pinagtutuunan ng pansin ni Chot Reyes ang Gilas Pilipinas na naghahanda sa pagsabak nito sa susunod na buwan kontra Lebanon at Jordan.
Sa pagkapanalo ng Tropang Giga, naka-double-double kaagad ang import na si Jalen Hudson sa kanyang naipong 34 puntos, tampok ang anim na tres, 10 rebounds at pitong assists.
Umagapay din sa kanya sina RR Pogoy, Calvin Oftana sa nakubrang 21 at 17, ayon sa pagkakasunod.