Inilunsad ni Mayor Ruffy Biazon ang  Muntinlupa Reading Book (MRB) Club para mahikayat ang mga bata na magbasa.

Sinimulan ng alkalde ang programa sa isang reading session sa pagbubukas ng bagong Tunasan Children's Park nitong Enero 26.

“Reading is a basic building block for knowledge,” ani Biazon. "The MRB club will be helpful in achieving the goals of the 7K Agenda in educating young Muntinlupeños of the present for the future.”

Bilang programa ng pamahalaang lungsod, ang MRB Club ay nag-oorganisa ng mga sesyon ng pagbabasa ng libro sa iba't ibang komunidad sa Muntinlupa.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Nilalayon nitong mag-develop ng basic literacy skills katulad ng pagbabasa, pakikinig, pag-unawa, pagsasalita, at bokabularyo sa murang edad, gayundin ang pagbuo ng mas matibay na samahan ng pamilya sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng magulang sa anak.