Ibinigay na ng gobyerno ang housing units sa mga pamilya ng mga dating kaanib ng New People's Army (NPA) sa San Mariano, Isabela kamakailan.

Sa Facebook post ng Presidential Communications Office, ang pabahay na nasa Sitio Casisiitan, Barangay Minanga, San Mariano, ay pormal na tinanggap ng 48 na dating rebelde nitong Enero 25.

Sinabi ng Malacañangna ang hakbang ngNational Housing Authority (NHA) ay bahagi ngPeace-Building Program nito upang matulungan ang mga rebelde na nagbabalik-loob sa pamahalaan.

Sa ilalim ng Build Better and More (BBM) program, nakikipagtulungan ang NHA sa mga local government unit at iba pang ahensya tungo sa pagkakaisa at makapagbigay ng maayos, kumpleto, at magandang pabahay sa mga Pilipino.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon