Nakatakdang magdaos ng mega job fair ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa Arroceros Forest Park, Ermita, Manila ngayong Biyernes, Enero 27, 2023.

Sa anunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Huwebes, nabatid na ang ang job fair ay magsisimula ganap na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Kaugnay nito, pinasalamatan naman ni Lacuna ang Public Employment Service Office (PESO) at Department of Labor and Employment (DOLE) dahil sa pagtulong upang mapagkalooban ng oportunidad na magkaroon ng magandang trabaho ang mga Manilenyo.

"Maraming salamat po sa ating PESO at DOLE sa pakikiisa sa ating hangarin na mabigyan ng oportunidad na makapaghanapbuhay ang bawat Manilenyo," ayon kay Lacuna.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Tiniyak rin ni Lacuna sa mga Manilenyo na ginagawa nila ang lahat para sa paglikha ng trabaho maging sa mga senior citizen.

Samantala, ayon naman kay PESO head Fernan Bermejo, ang lahat ng interesadong job seeker ay maaaring magrehistro sa https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSdcio5ILTQyPnLOWWJLvIr1AsziJbAZ1SyI9rIN2bonW1ChGw/viewform.

Hindi na umano nila kailangang hintayin pa ang tawag mula sa lokal na pamahalaan at sa halip ay i-screenshot lamang ang kanilang confirmation page mula sa Google form.

Pinayuhan rin niya ang mga aplikante na magdala nang hanggang 10 kopya ng kanilang resumè, itim na ballpen at magsuot ng casual attire.