Usap-usapan ngayon sa pageant community ang napipintong homecoming ni Miss Universe 2022 R’bonney Gabriel sa Pilipinas.

Si R’bonney ang kauna-unahang Filipino-American na nanalo sa Miss Universe pageant noong Enero 15 sa New Orleans, Louisiana. Pinoy ang tatay ng beauty queen at bago pa man maging kontesera, namalagi siya sa Malate, Maynila at halos tatlong taon na mula noong huli siyang bumisita sa bansa.

Tila hindi naman masaya ang iilan sa homecoming ng beauty queen dahil hindi naman daw Pilipinas ang nirepresenta niya sa pageant, at nakaka-bastos di umano ito para sa kinatawan ng bansa na si Celeste Cortesi.

House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

https://twitter.com/page4ntry/status/1617884892850982922?s=46&t=G6yu_5Hutf1QfeUh7Amwsw

Nag-ala Pia Wurtzbach naman ang pageant vlogger na si Sherman Gamboa sa kanyang TikTok video kung saan sinabi nito wala namang masama sakaling matuloy man ang nasabing homecoming ni R’bonney sa bansa.

“Kung hindi niyo bet, edi wag kayo pumunta. Kung bet niyo, then go” lahad niya.

Proud si R’bonney sa kanyang pagiging half Pinay at sa kanyang mga interviews ay hindi niya nakakalimutang magpasalamat sa kanyang mga Pinoy supporters. Matatandaang sa press conference matapos ng kanyang coronation ay hawak pa niya ang mini flag ng Pilipinas at ng Amerika.

Sa ngayon ay kaliwa’t kanan ang engagements ni R’bonney bilang bahagi ng kanyang tungkulin bilang Miss Universe at wala pang pinal na detalye ang Miss Universe Organization sa nasabing homecoming ng bagong reyna sa Pilipinas.