Naging kapana-panabik ang finale ng drag reality TV show na Drag Den Philippines, kung saan itinanghal na kauna-unahang “Drag Supreme” ang drag queen na si NAIA, Huwebes ng gabi, Enero 26.

Tinalo ni NAIA ang kapwa niya finalists na sina Shewarma na itinanghal na 1st runner-up na nag-uwi ng 100,000 pesos at si Maria Christina na siya namang itinanghal na 2nd runner-up at nag-uwi ng 50,000 pesos.

Kaniya-kaniyang paandar ang top 3 drag queens sa final national costume round at huling “dragdagulan” kung saan nagkaroon sila ng lip sync showdown gamit ang awiting “Kilometro” ng Popstar Royalty na si Sarah Geronimo.

Uminit pa ang kompetisyon nang pinarampa ang mga finalists suot ang kanilang magagarbong long gown. “Kalupaan-insipired” ang ipinakita ni Maria Christina, “Phoenix Rise” naman ang ipinamalas ni Shewarma, at “Aura” naman kay NAIA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa question and answer round naman na huling bahagi ng finale, binigyan ng tig-iisang minuto ang finalists para sagutin tanong na: “What is the one, and only one quality that makes you the true Drag Supreme?”

Sa kanyang winning answer, ibinahagi ni NAIA ang kaniyang growth sa kabuuan ng kompetisyon.

“Coming into this competition, I didn’t come here with the biggest budget or the best gowns and the best wigs. I only came here with my love and passion for drag. And when I auditioned, I knew that Drag Den was for the underdogs, and I have that quality of growth that I’ve exhibited ever since day 1. I’ve stumbled and I’ve gone through so much hardship, especially in this competition. And Manila, you’ve opened my eyes to what drag could truly be. It is freedom of expression and I can’t be more happy to be here. I hope that my story inspires young queer artists who are afraid of putting themselves out there, because I was afraid, but thank you Manila for giving this platform because I was able to prove that growth is what you need to become the next Drag Supreme. I hope I made you proud. Thank you, Manila,” lahad ng 27-year-old drag queen mula Las Piñas.

Sa naganap naman na deliberation, ginulat ni Manila ang lahat nang sabihin nito na back to zero ang pagpili ng mananalo. Binigyan niya rin ng kapangyarihan ang eliminated drag queens kung saan 60 percent ng total score ng top 3 ay manggagaling sa kanila. 20 percent naman sa “Drag Dealer” na si Nicole Cordoves, at 20 percent mula mismo sa “Drag Lord” na si Manila Luzon.

Nagkaroon din ng highlight ang mga itinuturing na “legends” sa Pinoy drag nang isa-isang rumampa sa Drag Den stage sina Mama Pie, Mama Letlet, at Mama Bobby kasabay ng pagpapasalamat ni Manila Luzon sa mga ito.

Sa huli, tinanggap ni NAIA ang mahigit isang milyong piso na premyo niya bilang kauna-unahang “Pinoy Drag Supreme.”