Sinimulan na ng Department of Health (DOH)– Ilocos Region nitong Miyerkules ang pamamahagi ng Nutribox packages para sa mga buntis na naninirahan sa mga lugar na kilala bilang ‘Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs)’ sa San Emilio, Ilocos Sur.

“The nutribox is a diet supplementation package for the First 1000 Days program for pregnant women to prevent the prevalence of low-birth-weight prevalence in the region, especially those living in remote communities and Geographically Isolated and Disadvantage Areas (GIDAs),” ayon kay Paula Paz Sydiongco, sa isang mensahe sa launching program na idinaos sa municipal covered court ng San Emilio, Ilocos Sur.

“Ang nutribox program ay magbibigay ng karagdagang pangangailangang mga bitamina upang ma- improve ang nutritional status ng selected nutritionally-at-risk pregnant women para maiwasan ang pagkakaroon ng baby nila ng low birth weight and iba pang birth defects,” ani Sydiongco.

Aniya, ang bawat Nutribox package ay naglalaman ng 10 kilo ng iron-fortified rice, texturized vegetable protein, dehydrated vegetables, iodized salt at margarine.

Probinsya

28-anyos na lalaki, natagpuang patay sa ilalim ng tulay

Nasa kabuuang 38 benepisyaryo mula sa bayan ng San Emilio ang nabigyan ng mga naturang Nutribox packages.

Nilinaw naman ng DOH na prayoridad nila sa pamamahagi ng Nutribox ang mga buntis na mula sa GIDAs.

Ayon sa United Nations International Children's Emergency Fund (UNICEF), ang poor diets na kulang sa mga pangunahing nutrients, gaya ng iodine, iron, folate, calcium at zinc, ay maaaring maging sanhi ng anaemia, pre-eclampsia, haemorrhage at pagkamatay sa mga ina, sa panahon ng kanilang pagbubuntis.

Maaari rin anila itong magresulta sa stillbirth, low birthweight, wasting at developmental delays para sa mga bata.

Ayon kay Ms. Jovita Leny S. Calaguas, Ilocos Regional Nutritionist and Dietician, ang unang 1,000 araw, sakop ang pregnancy period hanggang sa unang dalawang taon ng buhay ng sanggol, ay dapat na inaalagaang mabuti.

“Every opportunity and essential interventions that will provide a positive impact on the child’s development must be given,” aniya.

“It is important that we intervene, even before a child is born, we have to provide the mother the essential nutrients she needs for her baby to become healthy,” dagdag pa ni Calaguas.

Nabatid na sa mga lungsod at munisipalidad sa Ilocos Region, ang Dagupan City ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng total live births noong 2021 na nasa 8,461 births.

Sinundan ito ng San Carlos City, Pangasinan (7,125 births); City of Urdaneta, Pangasinan (5,753 births); City of San Fernando, La Union (4,866 births); at City of Alaminos, Pangasinan (4,014 births).