Nagpasiklab kaagad si dating NBA player at ngayo'y Converge import Jamaal Franklin matapos pataubin ang Terrafirma Dyip, 130-115, sa PBA Governors' Cup sa PhilSports Arena sa Pasig City nitong Huwebes ng gabi.

Halos maitala ng nasabing dating manlalaro ng Memphis Grizzlies ang triple-double nang kumolekta ng 42 points, 11 rebounds at 8 assists sa unang pagsabak sa liga laban sa Dyip.

"I think we'll go with Jamaal. We'll stick with him," banggit ni Aldin Ayo tungkol sa kanilang import na dati nang naka-quadruple double habang naglalaro sa Shanxi Brave Dragons sa Chinese Basketball Association (CBA)

Naniniwala si Ayo na hindi pa nailalabas ni Franklin ang buong lakas nito at hinihintay lang na makabisado nito ang laro ng kanyang mga kakampi.

National

Occidental Mindoro, niyanig ng 4.0-magnitude na lindol

"Of course, he's still adjusting. Hopefully, sa mga susunod na practices namin he'll be able to adjust sa sistema namin. But he played a good game. He was making all those extra passes to the locals and good thing mga locals nakapag-convert sa mga tira nila," aniya.

Tumulong din kay Franklin sinaMaverichAhanmisi (16 points), Justin Arana at Jeron Teng na kapwa nag-ambag ng tig-15 markers, habang tig-10 points naman sina Alec Stockton at Abu Tratter.

Naka-46 points naman sa Terrafirma si JordanWilliams, kaagapay sina Juami Tiongson (18 points), Alex Cabagnot (11 points), at Kevin Ferrer na nakakubra ng 10 points.