Pinagtibay ng Sandiganbayan ang nauna nangipinataw na pagkakakulong laban kay television host, actor at dating Quezon City Councilor Roderick Paulate at sa kanyang driver na si Vicente Bajamundekaugnay sa pagkuha nito ng "ghost" employees noong 2010.
Sa ruling ng anti-graft court, ibinasura nito ang isinampang motion for reconsideration nina Paulate at Bajamunde laban sa hatol nito noong Nobyembre 25, 2022.
Sa nasabing desisyon, hinatulan ng korte na makulong sina Paulate at Bajamunde mula anim hanggang walong taong pagkakakulong sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act 3019).
Inatasan din silang bayaran ang Quezon City government ng kabuuang₱1,109,000 na ginamit sa pagkuha ng "ghost' employees.
Hinatulan din si Paulate sa 9 counts ng falsification case at inatasang magbayad ng₱10,000 kada bilang ng kanyang kaso.
Bukod dito, pinakukulongdin siya ng korte ng hanggang anim na taon sa bawat bilang kanyang kaso matapos mapatunayang nagkasala sa falsification of public documents.
Pinawalang-sala naman si Bajamunde sa kasong falsification matapos mabigo ang prosekusyon na magharap ng sapat na ebidensya.
Iginiit nina Paulate at Bajamunde sa kanilang mosyon na hindi nila alam na ang kanilang job contractors ay gawa-gawa lamang.
“The court maintains its findings that the prosecution sufficiently established that it was accused who falsified or caused the falsification of the personaldatesheets, job order contracts, and general payrolls.In view of the foregoing, the court finds no cogent reason to warrant the reconsideration of the assailed decision,” dagdag pa ng Sandiganbayan.
Czarina Nicole Ong Ki