Masayang-masaya ang fans ng tambalang Donny Pangilinan at Belle Mariano matapos ang anunsyo na ang kanilang hit movie na “An Inconvenient Love” ay mapapanood na sa streaming platform na Netflix simula sa Pebrero 23.

Mismong ang direktor ng nasabing hit movie na si Petersen Vargas ang nag-tweet ng good news para sa mga “DonBelle” fans.

“#AnInconvenientLove on Netflix FEB 23 💜💚🧡 I miss this film, I miss DonBelle, I miss everyone involved, I miss hearing all about whatcha think! Let’s watch it lyk it’d be the first time all over again ⏳⌛️,” aniya.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

https://twitter.com/petersenvargas/status/1618458530243280896?s=46&t=G6yu_5Hutf1QfeUh7Amwsw

Agad namang dinomina ng fans ang Twitter world at trending agad ang hashtag “#AnInconvenientLove,” “AIL ON NETFLIX,” “#DonBelle,” at “#DonnyPangilinan.”

Screengrab mula sa Twitter

Nauna nang ipalabas sa mga sinehan ang “AIL” Nobyembre noong nakaraang taon, kasabay ng muling pagbabalik ng ABS-CBN Films sa physical venues matapos ng serye ng mga lockdown dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang “An Incovenient Love” ay ang pangalawang pelikula ng tambalang “DonBelle” matapos ang kanilang hit series na “He’s Into Her” at debut movie na “Love Is Color Blind.”