Trending ang #MCIEndgame episode ng hit fantasy-historical-drama series ng "Maria Clara at Ibarra" ng Kapuso Network dahil sa pagbabalik ni "Klay" (Barbie Forteza) sa present time, at iniwanan na si "Fidel" (David Licauco) sa mundo ng Noli Me Tangere.

Inaasahang magtutuloy-tuloy na ang istorya hanggang sa ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal, ang "El Filibusterismo", kung saan 13 taon ang nakalipas mula sa istorya ng Noli.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

https://twitter.com/GMADrama/status/1617860734624403456

Sa kaniyang tweet ay nagbigay ng kaniyang mensahe si Klay para sa kaniyang katambal na si Fidel.

"In another life, I would be your girl. We keep all our promises, be us against the world #MCIEndgame @davidlicauco," tweet ni Barbie.

Tumugon naman dito si David, "Pwede ba now na lang?"

https://twitter.com/davidlicauco/status/1617860871790944256

Dahil sa serye ay nabuo ang tambalang "FiLay" mula sa kanilang mga karakter.

Sey ng mga tagahanga, sana raw ay magkaroon ng serye sina Barbie at David pagkatapos ng MCI dahil super lakas ng kanilang chemistry.

Kung wala nga lang daw sa eksena ang Kapuso actor na si Jak Roberto na real-life jowa ni Barbie, malamang ay i-flex sa real life sina Barbie at David.