Mangiyak-ngiyak sa tuwa ang OFW na si Russel Tuazon matapos makuha ang epic grand prize sa Emirates Draw noong Enero 13.

Ang Pinoy storekeeper ay nakapag-uwi ng tumataginting na AED 15,000,000, na katumbas ay nasa ₱224 million.

Sa edad na labinsiyam, nakapagdesisyon si Russel na mangibang-bansa upang matulungan niya ang kaniyang magulang at mga kapatid. Nakapagtrabaho siya sa isang sikat na restaurant sa United Arab of Emirates (UAE). Kahit na nakaramdam siya ng pagod, hindi siya sumuko sa pagtatrabaho para matustusan niya ang kaniyang pamilya. Sa UAE rin natagpuan ni Russel ang kaniyang “love of his life.”

Hindi inakala ni Russel na sa unang pagsali niya sa laro ay kaagad-agad siyang naging milyonaryo. Tila ang mga sakripisyo at kabaitan niya ang dahilan upang dinggin ang kaniyang mga pangarap sa buhay.

BALITAnaw

Ogie Diaz, pinagsabihan si Mark Fernandez nang makita 'bird' ng aktor

Ayon kay Russel, ang mga numerong nagbigay suwerte sa kaniya ay kombinasyon ng kaarawan ng mga mahal niya sa buhay.

“I selected the number 6 – month of my birthday, 29 – date of my birth, 34 – my age, 17- son’s birthday, 25 – sister’s birthday, and 22 is mother’s birth date,” sey ni Russel sa The Filipino Times.

Dagdag pa niya, plano niyang magtayo ng negosyo na nakalinya sa kaniyang hilig.

Sa pahayag ng Emirates Draw, sinabi nilang karapat-dapat na manalo si Russel dahil sa kaniyang kasipagan at determinasyon sa buhay.

“Most importantly, Russel’s story is a testament to the power of hard work and determination. He encourages others to continue working towards their dreams, no matter how difficult the journey may be,” paliwanag ng Emirates Draw.

Nagbigay naman si Russel ng mensahe sa kapwa niya mga OFW.

Aniya, “keep trying to receive the unexpected because one day, it may just come true.”

Dagdag pa niya, “To get something extraordinary in life, you must be willing to make small sacrifices. For example, AED 15 is nothing compared to its potential grand reward of AED 15 million. When I came to this country as a teenager, I had no idea my life could change the way it did. I will complete fifteen years in the UAE this year and am blessed with AED 15 million!”

Si Russel Tuazon ang kauna-unahang Pinoy na nakapag-uwi ng grand prize sa Emirates Draw ngayong taon.