Bumuhos ang papuri kay Catriona Gray kasunod ng panibagong #RaiseYourFlag series tampok ang ilang lokal na artisan, at mananahi na tagapagtaguyod ng mayamang kultura at ganda ng Ilocos Norte.
Ito ang mababasa sa mga tampok na komento sa Instagram story ng Pinay Miss Universe ilang araw matapos ang release ng kaniyang nasabing tourism content.
Dito, kinilala ng maraming netizens ang dedikasyon ni Cat para patuloy pa ring ilagay sa sentro ng atensyon ang Pilipinas, apat na taon matapos koronahang Miss Universe.
“Super natuwa ako reading all your commnets on #RYFIlocosNorte,” ani Cat.
“The purpose of this project is to give the spotlight to our local artisans, weavers, and business owners. So we can make a difference in supporting them by buying loval and travelling locally,” dagdag ni Cat sa motibasyon ng kanyang content.
“There’s so much pride in discovering and celebrating what’s uniquely ours. And that’s what I hope to share with all of you,” pagtatapos niya.
Sa panibagong content, tampok ni Cat ang naggagandahang lugar, espasyo at mayamang kultura ng hilagang probinsya ng bansa.
Kabilang sa mga ipinakita ni Cat ang Museo Ilocos Norte sa Laoag, ang Gamaba Cultural Center sa Pinili, ang Suba Paoay San Dunes 4×4 Rides and Adventure ng Paoay, ang Blue Lagoon Surfing Community, Del Marco Coco, at Kaangrian Falls sa Pagudpud, at ang sikat na Glory’s Empanada at La Preciosa sa Batac.
Isa naman sa mga highlight sa latest episode ang panayam ni Cat kay Nanay Magdalena Gamayo at tinaguriang “cultural legend” dahil sa kaniyang hindi matatawarang ambag sa kabuang kultura ng paghahabi sa rehiyon.
Sa pag-uulat, mayroon nang mahigit 144,000 views ang naturang episode sa pag-uulat.