Arestado sa isinagawang entrapment operation ang anim na online sellers dahil sa pagnanakaw umano ng ready-to-wear (RTW) items sa Pasay City. 

Kinilala ni Col. Froilan Uy, city police chief, ang mga suspek na sina Paula Sarah Khan, 35; Hasnoden Baguan, 43; Hannah Mae Moraca, 24, sales agent; Najib Paniorutan, 22, online seller; Abdari Abdul, 20, helper; at Geraldine Alzona, 20.

Ayon kay Uy, naaresto ang mga online seller dakong 11:30 ng gabi noong Lunes sa isang apartment sa Barangay 183, Villamor Pasay City.

Dagdag pa ni Uy, plinano ng mga miyembro ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ang operasyon matapos maghain ng reklamo si Kowsar Abdul, 59, isang Bangladeshi.

Metro

QC gov’t, sinuspinde F2F classes hanggang SHS, gov’t work sa Jan. 13 dahil sa rally ng INC

Sinabi ni Abdul sa pulisya na ninakaw ang RTW items noong Enero 18 mula sa kaniyang warehouse sa Pedro Gil St. sa Maynila na nakita ng kaniyang empleyado na na si Jennifer, 33, na ibinebenta online.

Nakumpiska sa mga suspek ang 15 kahon ng nakaw na RTW items na nagkakahalagang P148,500.

Nakakulong na ngayon ang mga suspek at kakasuhan ng paglabag sa Anti-Fencing Law. 

Jean Fernando