Nagbabalik world stage ang real-life couple na sina Cervin at Anjanette o mas kilala bilang “Power Duo” ng Pilipinas Got Talent (PGT), ngayon naman para sungkitin ang All Stars Edition ng America’s Got Talent (AGT).

Nitong Martes ng umaga, napanuod nga ng Pinoy audience ang inabangang audition performance ng Power Duo.

Dito, muling ipinamalas ng couple ang kanilang wala pa ring kupas na husay sa pagsasayaw, kalakip ang nakakalulang aerial acrobat saliw ang kantang “You Are the Reason” ni Calum Scott.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Buong ngiti at pagmamahal ang masisilayan habang nagtatanghal ang mag-asawa.

Aprubado naman sa kilalang istriktong judge na si Simon Cowell ang performance ng duo na na in-love pa nga matapos ang act.

“I love you too,” nasambit na lang ni Simon sa Power Duo.

Lalo pang naging espesyal ang tagpo nang ibahagi ni Cervin ang dahilan sa likod ng napiling kanta.

“That song is for my wife. During Pilipinas Got Talent, I confessed my feelings for her. And now we are married and a one year-old son. She’s the reason why we still continue dreaming and I love her so much,” ani Cervin na nagpakilig sa lahat.

“But he didn’t know that I loved him first,” tugon ni Anjanette.

Positibo rin ang naging komento ng iba pang judges sa Pinoy talent.

“I love that is was a combination of being an acrobat dancers and aerialists,” ani Howie na napansin naman ang isang pagkakamali ng duo sa aerial stunt.

Depensa ni Heidi, “You saw it and we all saw it and it doesn’t matter because you guys are great. And it so beautiful to watch two people that are in love and do something so beautiful together. It was beautiful to watch you.”

Pasok na finals ang Power Duo matapos talunin ang iba pang acts ngaoyong Martes mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

Nakatunggali na at makakatunggali pa ng Pinoy talent ang ilang champions sa iba’t ibang bansa kabilang ang Dance Town Family ng America’s Got Talent Season 5, Darius Mabsa ng Romania’s Got Talent 2022, Light Balance Kids ng AGT Season 14, Malevo ng America’s Got Talent Season 11, Mini Droids ng Belgium’s Got Talent 2021 at Victoria Bueno ng Das Supertalent (Germany) 2021, bukod sa iba pa.

Basahin: ‘Power Duo,’ iwawagayway ang Pilipinas sa America’s Got Talent, ibabawi si Celeste Cortesi – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang tumatak na duo sa ikalimang season ng Pilipinas Got Talent (PGT) noong 2016.

Sila rin ang kauna-unahang non-singing talent na nagwagi sa nasabing reality talent show. Noong 2019 nang sumabak sa Asia’s Got Talent ang Power Duo at nagtapos sa ikatlong puwesto.

Target ngayon ng Power Duo na ibawi si Celeste Cortesi sa world stage.