Marami ang nagulat sa pagbabahagi ng dating 'Idol Philippines Season 2" runner up Ryssi Avila na may baby na siya.

Makikita sa kaniyang latest Instagram post ang kaniyang pag-flex niya sa 5 months old son na si "Anghel", na nagbigay aniya ng panibagong purpose sa kaniyang buhay.

"I love you, my ANGHEL," ayon sa caption.

Probinsya

Bahay ni Torre, binaha: 'Maraming pamilya sa Davao City paulit-ulit na nalulubog sa baha taon-taon!'

"Baby reveal uploaded na on my YT," aya niya sa kaniyang mga tagahanga.

Sa kaniyang YT channel mapapanood ang kaniyang pagpapakilala kay Baby Anghel.

Marami naman ang nang-iintriga kung sino ang ama ng bata.

Si Ryssi ay naugnay noon sa rapper-singer na si Daryl Ruiz o mas kilala bilang "Skusta Clee".