Mayroon na ngayong mahigit 24 milyong nakarehistrong Subscriber Identity Module (SIM) card sa Pilipinas.
Ibinunyag ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang bilang ng mga rehistradong SIM card sa bansa ay lumampas na sa 24 milyon.
Batay sa data noong Enero 22, ang Smart Communications Inc. ay nag-ulat ng 12,167,220 na mga rehistro. Sinundan ito ng Globe Telecom na may 9,988,656 at Dito Telecommunity na may 1,964,665 registered cards sa ngayon.
Ang kabuuang bilang ng mga nakarehistrong SIM sa bansa ay 24,120,541. Katumbas ito ng 14.27 percent lamang ng 168,977,773 existing cards sa Pilipinas.
Nagsimula ang mandatory registration noong Disyembre 27, 2022. Ito ay tatakbo hanggang Abril 26, 2023 ayon sa Department of Information and Communications Technology (DICT).
Ang mga SIM card na hindi mairerehistro sa oras ay permanenteng made-deactivate.
Charlie Mae F. Abarca