Kinumpirma ng Philippine Consulate General sa Los Angeles nitong Martes, Enero 24, na isang pinoy ang kabilang sa 11 naitalang nasawi sa nangyaring mass shooting sa Monterey Park, California noong Sabado, Enero 21.

Ayon sa pahayag ng Philippine Consulate General, nadamay si Valentino Alvero, 68, isang United States citizen, sa naturang mass shooting.

“The Consulate General understands his family’s desire for privacy and space during this time of unimaginable difficulty. Nevertheless, we are ready to assist them in whatever possible way should they reach out for any help we could give,” pahayag pa nito.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Larawan mula sa Philippine Consulate General in Los Angeles FB Page

Tinatayang anim na babae at limang lalaki, na hindi bababa sa 50 anyos, ang naitalang nasawi habang siyam ang sugatan matapos pagbabarilin ng kinilalang Chinese immigrant na si Huu Can Tran, 72, ang Star Ballroom Dance Studio sa Monterey Park habang ipinagdiriwang doon ang Lunar New Year, bandang 10:20 ng gabi.

Tinangka pa umano ni Tran na magtungo sa ibang dance studio nang pigilan siya ng mas batang nagtatrabaho doon at nakuha ang kaniyang dalang baril. Nakatakas ang suspek matapos ang nasabing pangyayari.

Makalipas ang isang araw, binaril umano ni Tran ang kaniyang sarili dahilan ng kaniyang pagkamatay habang patungo ang mga pulis sa sinasakyang puting van nito sa Torrance, California.

Sa imbestigasyon ng mga awtoridad sa Los Angeles, napag-alamang 42 beses nagpaputok ang suspek gamit ang 9mm semi-automatic MAC-10 pistol na may extended large-capacity magazine ng baril.

Patuloy pa rin ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa nasabing insidente habang kinakalkal din ang mental health records at criminal history ng kinikilalang may sala sa krimen.