Sa darating na Huwebes, Enero 26, makikilala na ang kauna-unahang “Drag Supreme” mula sa drag reality TV show na "Drag Den Philippines" ni Manila Luzon.

Matapos ang anim na linggo ng iba’t ibang challenges at “dragdagulan,” kinilala ang Top 3 drag queens na magtatapat sa finale na sina Maria Christina, NAIA, at Shewarma.

Base sa pinagsama-samang scores mula sa “Drag Lord” na si Manila Luzon, “Drag Dealer” na si Nicole Cordoves, at guest “Drag Enforcers” na sila Catriona Gray, K Brosas, KZ Tandingan, Eula Valdes, Francis Libiran, Mela Habijan, at Antoinette Jadaone, ang tatlong drag queens ay ang siyang nakakuha ng pinakamataas na puntos sa buong kompetisyon.

Sa isang eksklusibong panayam ng Balita Online sa isa sa finalists na si Maria Christina, sinabi nitong marami pang dapat abangan sa finale ng Drag Den Philippines.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Naibigay ko yung mga drama, much drama that the audience is expecting. So now, I will share more of what my drag represents and stand for — Filipino Excellence. I will make every Filipino proud of who we are through my Drag,” aniya.

Dagdag pa niya na masaya siya na maging bahagi ng finale lalo pa’t dalawang beses siyang nanalo sa mga challenges bago mag-finale ang nasabing programa.

“I feel like my art and drag has been affirmed in every way. Coming from a drag artist na hindi believer ng mga competitions at takot na ma-judge ang artistry at craft ko, in a way it's also a way to remind me na everything that goes my way is a chance for me to grow myself and better my art,” lahad ni Maria Christina.

Magkakaroon ng live grand coronation Drag Den Philippines sa SM Aura Concert Hall kasabay ng pag-ere nito sa Huwebes, alas-siyete ng gabi na mapapanood naman sa streaming platform na Prime Video.