Isa na namang parangal ang tinanggap ng Filipina actress na si Dolly De Leon matapos nitong maiuwi ang best actress in a supporting role award sa Guldbagge Awards na ginanap sa Cirkus sa Stockholm, Sweden, Martes (oras sa Maynila) para sa kanyang pagganap bilang Abigail sa pelikulang “Triangle of Sadness”.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Tinalo ni De Leon sina Carla Seh (“Stammisar”), Liv Mjönes (“Tack for the Last Time”), at Marika Lindström (“Burn All my Letters”).

Ang casting director na si Pauline Hansson ang tumanggap ng award para kay De Leon.

Bukod sa pangaral na iginawad kay De Leon, nanalo rin ang “Triangle of Sadness” ng best movie, best direction, best actor in a supporting role, best costume design, at best mask design awards na siyang sinasabing katumbas ng prestihiyosong “Academy Awards”.

Isa-isa namang ibinahagi ni De Leon sa kanyang Instagram stories ang tagumpay ng kanyang mga nakasama sa nasabing pelikula.

Kamakailan lang ay personal na tinanggap ni De Leon ang best supporting performer award sa Los Angeles Film Critics Association sa Amerika kung saan siya ang kauna-unahang Pilipino na nakapagkamit nito.

Kasalukulang trending ang “Dolly De Leon” sa Twitter kasabay ng kaliwa’t kanang pagbati sa panibagong tagumpay ng aktres.

Screengrab mula sa Twitter