May kabuuang 589 na kaso ng tigdas ang naitala sa buong bansa noong 2022, ayon sa datos ng Department of Health (DOH).
Ang bilang na ito ay nagtala ng 186 porsyentong pagtaas kumpara sa taong 2021 kung saan 206 na kaso lamang ang naitala, ayon sa ulat ng DOH.
Ang Calabarzon ang nagtala ng pinakamaraming kaso ng tigdas na may 110, sinabi ng DOH.
Sinundan ito ng National Capital Region na may 77 kaso, Central Visayas na may 69, Central Luzon na may 49, Zamboanga Peninsula na may 47, at Davao Region na may 41.
Isang pagkamatay lamang ang naitala ng DOH dahil sa tigdas noong nakaraang taon. Walang naiulat na pagkamatay noong 2021.
Noong Oktubre 2022, nagbabala ang DOH na maaaring maharap ang bansa sa measles outbreak ngayong taon kung mananatiling mababa ang saklaw ng pagbabakuna. Sunod nito, iniulat ni DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire na hindi bababa sa tatlong milyong bata sa Pilipinas ang madaling kapitan ng tigdas.
Iniulat din ng DOH noong Oktubre ng nakaraang taon na ang lahat ng rehiyon sa bansa ay nasa mataas na panganib para sa posibleng pagsiklab ng tigdas dahil sa mababang saklaw ng bakuna.
Ang huling "wide scale" outbreak ng tigdas sa bansa ay noong 2019, kung saan idineklara ang outbreak sa Metro Manila, Calabarzon, Central Luzon, Western Visayas, at Central Visayas.
Analou de Vera