Niyanig ng Magnitude 6 na lindol ang baybayin ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental ngayong Martes ng umaga, Enero 24.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol na tectonic ang pinagmulan dakong 10:13 kaninang umaga.

Namataan ang epicenter nito sa layong 02.92°N, 126.81°E - 316 km S 29° E ng Balut Island sa munisipalidad ng Sarangani, Davao Occidental, at may lalim na 108 km.

Walang namang naitala ang Phivolcs na naapektuhan ng nasabing pagyanig, ngunit pinag-iingat ang mga kalapit na lugar sa mga inaasahang aftershocks.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga