Umaabot sa mahigit₱33.9 milyon ang kabuuang halaga ng medical assistance na naipagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa may 4,949 eligible beneficiaries sa buong bansa simula Enero 16 hanggang 20, 2023 lamang.

Ayon sa PCSO, sa ilalim ito ng kanilang Medical Access Program (MAP), na nagkakaloob ng tulong medikal sa mga kababayan nating nangangailangan.

Sa abiso ng PCSO, nabatid na kabilang sa mga nakatanggap ng medical assistance ay 654 indigents mula sa National Capital Region (NCR), na nakatanggap ng₱7.7 milyon; 965 mula sa Northern at Central Luzon na nabigyan ng₱7.6 milyon; at 1,271 naman mula sa Southern Tagalog at Bicol Region na nakatanggap ng₱6.2 milyong tulong medikal.

Sa Visayas, 984 indibidwal naman ang naging benepisyaryo ng₱6.1 milyong halaga ng medical aid at 1,075 ang benepisyarong mula sa Mindanao, na nabiyayaan naman ng₱5.7 milyon.

Metro

High-grade marijuana, <b>nasabat ng pulisya matapos i-deliver sa fast food resto</b>

Ang MAP, o dating kilala sa tawag na Individual Medical Assistance Program, ay idinisenyo upang magbigay ng tulong medikal sa mga indigent Filipinos, na nangangailangang ma-confine sa ospital, maisailalim sa chemotherapy, dialysis, at post-transplant medicines.

Ang programa ay pinupondohan mula sa kita ng mga PCSO games sa buong bansa.

Una nang sinabi ni PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa PCSO games dahil magkakaroon ka na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, ay makakatulong ka pa sa kawanggawa.