Mas hinangaan umano ngkilalang propesor ng kasaysayan at historyador na si Xiao Chua ang singer-actor na si JK Labajo sa pagganap nito bilang "Ninoy Aquino" sa pelikulang "Ako si Ninoy" ng direktor na si Vince Tañada.

Sa kaniyang tweet nitong Linggo, Enero 22, nangilabot aniya siya nang makita niya si JK na nagtransform bilang si Ninoy.

"Noong nakita ko si JK Labajo sa harapan ko na magtransform bilang si Ninoy, nangilabot ako. This is something big! Aydol ng kabataan bilang isang mang-aawit," aniya.

"Malaking bagay ito kasi hindi naman niya ikakayaman ito pero gagamitin niya ang hatak niya sa kabataan upang tumulong na maikuwento ang mga bagay na pinalalabo ng mga pambabaluktot," dagdag pa niya.

Atty. Vince Tañada sa 'Ako si Ninoy': 'Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan!'

Dahil dito, mas hinahangaan niya ang singer. Isa rin daw karangalan na makatrabaho niya ito.

"Mas hinahangaan ko siya ngayon, dahil ang ginawa niya ay tunay na pag-aalay ng sarili bilang isang artista. Mabuhay si Ninoy! Mabuhay si JK!

"Karangalan ko na kahit ilang minuto lamang ay makatrabaho kita."

https://twitter.com/Xiao_Chua/status/1617172005039779842

Samantala, ang pelikulang "Ako si Ninoy"  ay maglalantad ng katotohanan at “pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan," ayon sa direktor nito na si Vince Tañada.