Pinusuan ng netizens ang larawang kuha ni Jhoms Sano tampok ang Sorsogon Sports Complex at repleksyon nito sa tubig-ulan gamit ang kaniyang cellphone.

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Sano na taong 2018 pa nang una niyang makahiligan ang pagkuha ng mga larawan.

“Kada punta ko sa iba’t ibang lugar, ayun, I took photos,” aniya. “Masaya talaga lalo na ‘pag maraming nakaka-appreciate ng shots ko, saka anti-stress ko ‘yan.”

Kuwento pa ni Sano, nakuhanan niya ang naturang larawan nang magpunta sila sa Sorsogon kasama ang kaniyang asawa na magpapa-medical doon.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Dahil umulan nang mga oras na dumaan siya sa sports complex, naisipan ni Sano na angguluhan ang gusali upang lumabas ang repleksyon nito sa tubig, at masaya naman siya sa naging resulta.

Nang ibahagi ni Sano ang naturang larawan sa Facebook group na Mobile Photography, marami ang bumilib dito. Anila, malinis at perpekto ang kaniyang naging pag-anggulo sa naturang gusali.

“Specular Reflection🤩,” saad pa ng isang netizen.