Bumaba pa sa 2.4% ang seven-day Covid-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) habang bahagya ring bumaba sa 2.7% ang nationwide Covid-19 positivity rate.

Sa datos na ibinahagi ni Dr. Guido David ng independiyenteng OCTA Research Group nitong Lunes, nabatid na mula sa 3.7% noong Enero 14, 2023, ay bumaba pa sa 2.4% na lamang ang positivity rate sa rehiyon noong Enero 21, 2023.

AngCovid-19positivity rate ay yaong porsiyento ng mga taong nagpo-positibo saCovid-19mula sa kabuuang bilang ng mga taong isinailalim sa pagsusuri.

Kasabay nito, iniulat rin ni David na walang lalawigan sa Luzon ang nakapagtala ng pagtaas ng positivity rate saCovid-19.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Aniya pa, karamihan rin sa mga lalawigan ay nakapagtala na ng ‘low’ positivity rate o mas mababa sa 5% noong Enero 21, 2023.

Kabilang dito ang Albay (3.5%), Bataan (2.5%), Batangas (4%), Benguet (2.5%), Bulacan (2%), Cagayan (4.5%), Cavite (1.8%), Ilocos Norte (2.9%), La Union (2.2%), Laguna (2.8%), Nueva Ecija (3.1%), Pampanga (3.4%), Pangasinan (1.4%), Quezon (2.2%), at Zambales (4.3%).

Aniya, bagamat mas mataas pa rin sa 5% ay bumaba na rin ang positivity rates saCovid-19ng ilang lalawigan sa bansa nitong Enero 21, 2023, kumpara noong Enero 14, 2023.

Kabilang dito ang Camarines Sur (from 17.6% to 8.7%), Isabela (from 50.2% to 10.7%), Oriental Mindoro (from 20.5% to 9.1%), Palawan (from 17.4% to 16.7%), Rizal (from 9.4% to 5.5%), at Tarlac (from 12.5% to 6.6%).

“NCR positivity rate decreased from 3.7% to 2.4% as of Jan 21, 2023. No province in Luzon had an increase in positivity rate. Many provinces have [a] LOW positivity rate (less than 5%),” tweet pa ni David.

Samantala, iniulat rin naman ni David nitong Linggo ng gabi na bahagya ring bumaba ang nationwideCovid-19positivity rate sa 2.7% na lamang nitong Enero 22, 2023, mula sa dating 2.8% noong Enero 21, 2023.

Ayon kay David, nakapagtala rin ang Department of Health (DOH) ng 399 bagong kaso ng sakit nitong Enero 22, 2023, sanhi upang umabot na sa 4,071,963 ang totalCovid-19cases ng bansa. Sa naturang bilang, 10,587 na lamang ang aktibong kaso.

Mayroon din namang 14 pasyente ang sinawimpalad na bawian ng buhay dahil sa virus, sanhi upang umakyat na sa 65,694 ang totalCovid-19deaths ng Pilipinas.

Nasa 377 naman ang naitalang bagongCovid-19recoveries, kaya’t ngayon ang bansa ay mayroon nang kabuuang 3,995,682 pasyenteng gumaling sa karamdaman.

Sa pagtaya ni David, maaaring umabot sa 100 hanggang 200 ang maitatalang mga bagong kaso ngCovid-19nitong Lunes, Enero 23, 2023.