Marami ang nagulat nang lumabas na ang opisyal na trailer at poster ng pelikulang "Ako si Ninoy", ang binabanggit na "Project ASN" ng award-winning director at writer ng "Katips" na si Atty. Vince Tañada, dahil bukod sa ang bida rito ay si Juan Karlos "JK" Labajo (na walang nag-expect), kasama rin sa cast si Joaquin Domagoso na anak ni dating Manila City Mayorat presidential candidate Isko Moreno Domagoso.
Nagtataka ang marami dahil si dating Yorme Isko ay kabilang sa makakatapat na pelikula ng ASN, ang "Martyr or Murderer", na second installment ng "Maid in Malacañang" ni Direk Darryl Yap. Sinasabing iikot ang istorya ng MoM sa "rivalry" nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at dating senador Ninoy Aquino. Sa katunayan, si Isko pa ang naanunsyong gaganap na Ninoy sa pelikulang ito.
Nagtataka rin ang ilang netizens kung bakit napasama sa ASN si Joaquin gayong isa ito sa mga nanawagang mag-withdraw sa kaniyang kandidatura si dating Vice President Leni Robredo.
Mababasa ang reaksiyon at komento ng netizens sa comment section ng Facebook posts ng Philippine Stagers Foundation tungkol dito.
"Teka ba't andyan si Joaquin eh di ba naki-Leni withdraw din 'yon?? Hahahaha."
"Joaquin Domagoso? Seriously?"
"Jan anak ni Yorme ah. Why?"
"Joaquin Domagoso hahahaha."
Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa kampo ni Atty. Vince kung kailan ang playdate nito sa mga sinehan.