Isang panawagan at mensahe ang inilatag ni Miss Trans Global 2020 Mela Habijan hinggil sa salitang "bakla" dahil sa umano'y "internalized homophobia" na nararanasan ng ilang miyembro ng lesbian, gay, bisexual, transgender, intersex, queer/questioning, asexual (LGBTQIA+).

Inilabas ni Habijan ang pahayag matapos kumalat ang isang reply tweet ng isang netizen na nagsasabing "degrading" at "uncomfortable" ang salitang bakla.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

https://twitter.com/jerek1dd0/status/1616480138354651136?s=20&t=SBjTuOZIied8cLA9B_4vGw

"I hope, soon, ALL LGBTQIA+ Filipinos find power in “BAKLA”. Because it must be a word that empowers," anang beauty queen.

https://twitter.com/missmelahabijan/status/1616976409519616000?s=20&t=MhtQWJH8NVYOSYx9y8hA1g

Dagdag pa ni Habijan na "napaniwala" lamang ang iba na ang salitang bakla ay nakakababa at nakakainsulto.

"But let’s do this exercise every morning: look at yourself in front of the mirror and say, “BAKLA AKO!”"

"Because to be bakla is to be talented, creative, passionate, loving, purposeful, affective, inclusive… to be human," pagpapaliwanag ng beauty queen.

Nanawagan naman siya na huwag mahiya at ipagmalaki ng mga kabaklaan na sila ay bakla dahil ito ay hindi nakakababa at sila ay may kakayahang makapagpabago ng lamang ng kanilang sarili kundi ng ibang buhay.