Nasamsam ng mga awtoridad ang mga illegal na tabla sa ikinasang anti-illegal logging operation sa San Fernando, Romblon kamakailan.

Sa Facebook post ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Romblon, kasama nila ang mga tauhan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) Sibuyan sub-station, San Fernando Municipal Police nang isagawa nila ang operasyon sa baybayin ng Barangay Campalingo, San Fernando nitong Sabado, Enero 21.

Bago ang operasyon, nakatanggap umano sila ng impormasyon kaugnay sa naiwang mga putol na tabla sa nasabing lugar.

Nasa 13 piraso ng tabla na nagkakahalaga ng ₱22,026.04 ang nasamsam sa lugar.

Probinsya

Lalaking drug pusher, ginawa umanong ‘punching bag’ kinakasama niya; timbog!

Hinala ng pulisya, iniwan ng mga illegal logger ang mga nilagaring tabla matapos matunugan ang operasyon.

Dinala na sa DENR outpost sa Sitio Logdeck, Brgy. Tampayan, Magdiwang, Romblon ang nasabing undocumented forest product.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang kaso.