Isa na namang low pressure area (LPA) ang namataan na inaasahang magpapaulan sa Visayas at Mindanao, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Lunes, Enero 23.
Nilinaw kaagadweather specialist Robert Badrina ng PAGASA, na hindi mabubuo bilang bagyo ang naturang LPA.
Huli aniyang namataan ang LPA 495 kilometro silangan timog silangan ng Davao City.
Sa pagtaya ng PAGASA, uulanin ang malaking bahagi ngVisayas, Caraga, Northern Mindanao, at Davao Region bunsod na rin ng LPA.
Binalaan din ng PAGASA ang publiko sa inaasahang flash floods at landslides sa mga nabanggit na lugar.
Idinagdag pa ni Badrina na posibleng makaranasng pag-ulan angCagayan Valley, Cordillera Administrative Region, Bicol Region, Quezon, Marinduque, Romblon, at Aurora dulot ng amihan o northeast monsoon.