Gumastos ng mahigit kalahating-milyong piso ang isang social media personality sa Amerika para maibalik muli ang kaniyang virginity.
Ito ang kuwento ng 22-anyos at Brazilian blogger na ngayo’y nakabase na sa Miami, Florida na si Júlia Medeiros sa isang ulat ng New York Post kamakailan.
Sa pamamagitan ng tinatawag na hymen reconstruction surgery, muling naibalik ni Júlia ang orihinal na porma ng kaniyang ari. Isang malalim na kuwento naman ang dahilan ng dalaga para sa naging pasya nito.
“I was a 17-year-old teenager when I lost my virginity to a 30-year-old guy,” ani Julia sa news outlet na The Daily Star habang sunod na ipinaliwanag kung bakit hindi niya nagustuhan ang unang beses na pakikipagtalik.
“Just like many women, I was deceived. I was promised marriage and children like in fairytales,” aniya na malinaw ngang hindi tinupad ng hindi pinangalanang dating partner.
Matapos ang karanasan, iniingatan na ngayon ni Julia ang kaniyang birhen na aniya’y handa siyang ibigay sa isang “someone special.”
“I always wanted to have that special moment for myself. I want it to be unique and romantic, like in fairy tales. That’s why I had the surgery,” pag-amin pa ni Julia.
Sa Pilipinas, matatandaan ang pinag-usapan at dokumentadong pagpapa-“sikeps” noong 2021 ng online personality at kontrobersyal na vlogger na si Toni Fowler.
Basahin: Toni Fowler, ‘nagpasikeps’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid
Isang non-surgical procedure para sa “labia and vaginal tightening and rejuvenation” na tinatawag na “Thermiva” ang ginawa naman kay Toni.
“Yung physical appearance kasi ng private part ko, hindi na siya katulad ng dati. Kasi siyempre, nagkaanak na ako, may tao nang lumabas doon. Kaya naisipan kong subukan ‘yung vaginal tightening treatment.”
“Marami sigurong ibang kababaihan na gustong ipaayos ‘yung hitsura ng private part nila at may malalalim silang mga dahilan. Kaya ko vin-log ‘yung experience para sabihin sa mga tao na ‘wag silang mahiya kung gusto nilang gawin ‘to kasi hindi naman kasalanan gawin ‘to,” dagdag niya noon.
Ano ang masasabi niyo sa istoryang ito?