Malapit na umanong masibak sa puwesto si suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag.

Ito ang tiniyak ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla nang kapanayamin ng mga mamamahayag matapos itong bumisita sa National Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa nitong Lunes, Enero 23 bilang tugon sa reklamong hindi hindi ginagamot na sakit at malnutrisyon.

Si Bantag aniya ay papalitan ni Gregorio Catapang sa kanyang puwesto bilang director ng BuCor.

“Malnutrition is really an endemic problem herekaya ‘yungcoping mechanisms give way to crimekaya dapat talaga ma-isaayos natinfrom the root cause, which is really to feed these people properly and to make the system stand properly. These things we haven't seen, have not been done in the past, we will try to address this properly,” pagdidiin ni Remulla.

National

PBBM sa WPS: 'Ito ay hindi kathang isip lamang, ito ay atin!'

Kumpiyansa rin si Remulla na mapapalitan na sa posisyon si Bantag dahil saklaw ito ng kapangyarihan ng Pangulo.

Nahaharap si Bantag sa dalawang kasong murder matapos idawit sa pamamaslang sa veteran journalist na si Percival "Percy Lapid" Mabasa at sa umano'y "middleman" na si Cristito "Jun" Villamor.

Matatandaang lumantad ang self-confessed na si Joel Escorial at sinabing si Villamor ang nag-utos sa kanilang grupo upang paslangin si Mabasa. Ipinagtapat din aniya sa kanya ni Villamor na si Bantag ang nag-utos sa nila upang ipapatay ang mamamahayag.

Binawian ng buhay si Villamor habang nakapiit sa NBP ilang oras matapos ang paglantad ni Escorial noong Oktubre 18.

Napatay si Mabasa matapos pagbabarilin habang sakay ng kanyang kotse sa BF Resort Village, LasPiñasnoong Oktubre 3 ng gabi.

Philippine News Agency