Sinabi ng direktor at writer ng pelikulang "Ako si Ninoy" na si Atty. Vince Tañada na ang kaniyang pinakabagong pelikulang "Ako si Ninoy" ay maglalantad ng katotohanan at "pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan".

Ayon sa Facebook post ni Atty. Vince bago ilabas ang opisyal na trailer at poster ng pelikula, "KAILANGAN NATIN NG BAYANI, 'yung totoo, 'yung hindi gawa-gawa, 'yung hindi pinorma para mabago ang imahe ng pamilya, 'yung bunga ng masusing research ng mga akademiko't iskolastiko, 'yung pinag-aralan ng mga historians, 'yung subok ng bawat Pilipino noon at ngayon!"

"Kung gusto niyong malaman ang Katotohanan, sa January 22, sa ganap na 7:00 ng gabi, lalabas sa lahat ng Social Media Platforms ang Grand Reveal ng Title, Trailer at Full Cast ng bagong Pelikulang tatapos sa lahat ng kasinungalingan," pag-anyaya pa ng direktor sa publiko.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Gaganap na "Ninoy Aquino" sa naturang pelikula ang singer-actor na si Juan Karlos "JK" Labajo, at ang kaniyang awiting "Buwan" ang theme song ng pelikula.

Ikinagulat naman ng mga netizen ang pagkakasama sa cast ni Joaquin Domagoso, anak ni dating Manila City Mayor at presidential candidate Isko Moreno Domagoso, na siyang gaganap namang "Ninoy Aquino" sa "Martyr or Murderer" ni Direk Darryl Yap.

Samantala, hindi lamang "Ako si Ninoy" ang sinasabing tatapat sa MoM ni Direk Darryl, dahil mapapanood din ang "Oras De Peligro" ni Direk Joel Lamangan, na sinasabing iikot naman ang kuwento sa naganap na Martial Law noong pamamahala ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

https://twitter.com/ProjectGunitaPH/status/1617163118639198208?fbclid=IwAR0AXPWo5q-vZqN3ZXCEy4WuxVzLzftGjp5RV0xhqI1pkn_hTCchaD1wZqc