Tila naging emosyunal ang mga celebrity judges ng segment na "Girl on Fire" ng noontime show na "It's Showtime" na sina Chie Filomeno at Regine Tolentino matapos ang pagbabahagi ng host nitong si Unkabogable Phenomenal Box-Office Superstar Vice Ganda.

Dahil sa kuwento ng isang kalahok sa kaniyang panayam dito, napa-SKL si Vice patungkol sa kaniyang kapatid na si Babot. Ang napag-uusapan kasi ay tungkol sa relasyon ng mga magkakapatid sa isa't isa.

Kuwento ni Vice, hindi raw niya gaanong kasundo ang kapatid na si Babot dahil hindi raw siya madalas pinapansin. Hindi rin daw siya madalas kibuin nito, at kung kibuin man, talak ang inaabot niya rito.

Hanggang sa maging panauhin nila sa bahay ang mga kaibigan nito. Agad daw siyang nakilala ng mga kabarkada nito dahil madalas daw pala siyang ibida ni Babot sa mga ito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"Ikaw yung matalinong kapatid ni Babot?" sey daw sa kaniya ng mga kaibigan ng utol.

"Ay 'di ko po alam," pa-humble na sagot daw ni Vice.

"Eh ipinagmamalaki ka ni Babot kasi scholar ka raw eh!"

Doon ay napagtanto ni Vice na hindi man vocal sa kaniya ang kapatid, ipinagmamalaki pala siya nito sa mga kaibigan.

"Hindi lang sila ganoon katapang na sabihin kasi iba-iba talaga tayo ng pagkatao," dagdag pa ng komedyante.

Napansin naman ni Vice na emosyunal na sina Chie at Regine kaya natanong niya ang mga ito. Si Regine, naalala niya ang kaniyang yumaong ama.

Hindi raw kasi masalita o showy ang pumanaw na ama, at nalalaman na lamang niyang proud ito sa kaniya sa kanilang mga kaanak.

"It means so much lalo na ngayong wala na siya," saad ni Regine.

Umaasam si Vice na sana raw, ma-break ang hiya at magkaroon ng tapang ang isa't isa na sabihin nang harapan ang mga encouraging words na kailangan ng isa't isa.