Ito ang excited na pagbabahagi ni Kapamilya star Vice Ganda na aminado siyang noon ay wala sa kaniyang mga plano.

“Surprisingly, gusto ko nang magkaanak. Dati as in no-no ako diyan,” saad ng “Unkabogable Star” sa panayam ni dating Manila Mayor Isko Moreno sa bagong YouTube show nito.

Tinitingnan ngayong option ni Meme ang pagsasailalim sa milyong-halagang surrogacy.

“Dati talaga no-no kahit nga ‘di biological kahit biological, no-no talaga ako. Ayoko kasing i-subject ‘yung magiging anak ko sa social injustices, sa discrimination,” ani Vice.

Events

Boy Abunda, nakulangan sa Miss Universe 2024

Matatandaan noong Hulyo 2022, una nang natanong ang TV personality kaugnay ng usapin kung saan tila hindi pa noon buo ang pasya nito, bagaman aminado siyang sumagi sa isipin niya at ng partner na si Ion Perez ang magkaroon nga ng anak.

Basahin: Vice Ganda at Ion, balak nga bang magka-baby soon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“‘Di ba kahit anong gawin natin, iba yung tingin ng mga tao ‘pag ‘yung tatay niya bakla. Naawa ako dun sa bata,” pagpapatuloy ni Meme.

“‘Yung prejudice—bakit ganoon ‘yung tatay mo?”

Dagdag niya, ayaw niya rin daw umanong ilagay sa sitwasyon ang kaniyang magiging anak na maranasan nito ang diskriminasyon.

“Masasaktan siya eh. At mararamdaman niya na baka may mali sa amin kaya ayoko,” pagbabahagi ni Vice sa dating mentalidad.

“Until I met Ion at na-build ‘tong relationship namin and I found it really so beautiful; na sabi ko na kayang-kaya naming magka-baby,” sunod na saad ng Kapamilya star na napagtantong pasya sa wakas.

Basahin: Vice Ganda, nakalimang girlfriend, pinilit ‘gamutin’ noon ang kaniyang sekswalidad – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Bigla lang, ‘Ay gusto ko nang magka-baby. Wala na ‘kong pakialam sa sasabihin nila. Ang mahalaga na lang ay ibi-build ko ‘yung personality ng magiging anak ko; ‘yung character niya,” dagdag niya.

Sa katunayan, kokonsulta na sana noon si Meme sa ilang eksperto sa Amerika noong 2022 para sa proseso. Tinatayang aabot naman sa mahigit P5 milyon hanggang P9 milyon ang aabuting gastos para sa makabagong sensya.

“I didn’t have the luxury of time to pursue kasi ang dami kong ginagawa,” aniya na aminadong prayoridad pa rin ang kaniyang programa at trabaho sa TV.

Gayunpaman, handa namang unahan ng Kapamilya star ang planong pagbuo ng pamilya soon.

Mahahalata naman ang excitement kay Meme habang ikinekuwento nito ang kasiyahang naidudulot na ngayon sa tuwing may makikitang baby.

“Parang ngayon may ibang magic ngayon ang mga bata ‘pag nakakakita ako ng baby, sa loob,” aniya. Baby girl sana ang hihilingin ng komedyante sa oras na sumailalim na sa proseso.

Handa namang ibigay ni Meme ang lahat para sa magandang buhay ng kaniyang anak sa hinaharap.

“Gusto kong gawin sa kanila ‘yung hindi ko na-experience, ipapa-experience ko sa kanila. We will experience that together,” aniya.