Naantig ang puso ng mga netizen sa post ng restaurant owner na si Marcelino Galvez ng Quezon City na nagpapasalamat sa kanilang customers na nagligpit ng pinagkainan bago umalis.

“Salamat dahil sa small act of kindness na kagaya ng ganito, nakakawala ng pagod,” caption ni Galvez sa kaniyang post.

“Kayo yung tipo ng tao na hindi nakaka-isip ng ‘wag mo ng ligpitin yan trabaho nila yan eh’

‘eh ano naman kaya nga sila sinasahuran dito’,” dagdag nito.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa panayam ng Balita Online, ibinahagi ni Galvez na bandang 10:00 na ng gabi nang dumating ang magkasintahan para kumain sa kanilang restaurant. Ang mga ito na raw ang huling customer nila kaya dama na ang pagod lalo na ng kaniyang mga staff. Kaya naman sobrang na-appreciate nila ang ginawang kabutihan ng nasabing customers.

Dahil sa reactions at shares ng post ni Galvez, nakarating ito sa isa sa mga tinutukoy nitong customers at nagbigay rin ng komento.

Sa komento ng customer nilang si Pauline, service crew rin silang magkasintahan kaya alam nila kung gaano kasarap sa pakiramdam makitang malinis at nakaligpit ang pinagkainan ng mga customer. Ito rin ang dahilan kaya lagi nilang nililigpit ang pinagkakainan nila sa lahat ng mapupuntahang restaurants.

“Thank you rin po sa pag-accommodate sa amin kahit late na po kaming nag-dine in sa inyo kagabi. Thank you po sa good service and sa masarap na food,” sagot ni Pauline sa post ni Galvez.