Tumaas na sa 1.1 milyon ang mga botanteng nagpatala upang makaboto sa 2023 Barangay, Sangguniang Kabataan elections (BSKE).

Paliwanag ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia, ang naturang datos ay naitala simula Disyembre 12, 2022, kung kailan sinimulan ang voter registration.

Sa naturang bilang aniya, tinatayang nasa 7,000 voter registration applications ang naproseso sa ilalim ng kanilang Register Anywhere Project (RAP), habang ang iba pa ang nagpatala naman sa pamamagitan ngng regular registration.

Muli namang hinikayat ni Garcia ang publiko na samantalahin ang mga natitira pang araw ng voter registration upang makapagparehistro at makaboto sa nalalapit na halalan.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Ang regular na voter registration ay matatapos sa Enero 31 habang ang RAP naman ay sa Enero 25, 2023.

Idaraos sana noong Disyembre 2022 ang eleksyon, gayunman, ipinagpaliban ito at itinakda sa Oktubre 2023.