Binabantayan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang isang cargo vessel sa posibilidad na magkaroon oil spill matapos sumadsad sa bahagi ng Barcelona, Sorsogon nang tangayin ng malalaking alon kamakailan.

Sa paunang report ng PCG sa Sorsogon, nananatili pa rin sa karagatang saklaw ng Sitio Boracay, Brgy. Luneta ang barkong LCT Regent 101 na pag-aari ng Southern Regent Shipping Incorporated.

Patungo sana sa Lidong, Albay ang barko mula sa Lazi, Siquijor nitong Enero 19 dakong 3:00 ng madaling araw nang salubungin ng malakas na hangin at malalaking alon kaya ito nabahura.

Nitong Linggo, ininspeksyon ng PCG at iba pang ahensya ng gobyerno ang naturang barko dahil sa posibilidad na tumagas ang langis nito

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon