Niyanig ng Magnitude 3.5 na lindol ang probinsya ng Camarines Norte ngayong araw, Enero 22, mag-8:00 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nangyari ang lindol bandang 7:50 kaninang umaga.
Namataan ito sa layong 14.28°N, 122.87°E - 009 km N 87° E ng Paracale (Camarines Norte), at may lalim na 005 km.
Samantala, isinailalim sa Intensity I ang bayan ng Daet, Camarines Norte dahil sa lindol.
Wala namang naitala ang Phivolcs na naapektuhan ng nasabing pagyanig.