Isang netizen ang nagparatang kay Kapuso star Bea Alonzo na kinamkam niya ang lupa ng Aetas na inimbitahan niya sa kaniyang pag-aaring farm sa Zambales.
Mapapanood sa vlog ni Bea ang pag-iimbita niya sa mga kapitbahay na Aetas at binigyan sila ng pagkain.
Marami naman ang natuwa sa ginawa ni Bea, subalit isang netizen ang nagsabing paano naman daw ang lupang "kinamkam" niya mula sa Aetas.
“That’s nice, now how about giving their land back," pahayag ng netizen.
Nakarating naman ito sa kaalaman ng legal counsel ni Bea na si Atty. Joey V. Garcia ng GERA law firm, at nagbigay ito ng opisyal na pahayag sa Philippine Entertainment Portal o PEP.
“It is unfortunate that a certain (netizen) made a very irresponsible & highly outrageous statement on Twitter asserting that Ms. Bea Alonzo should give ‘their – (referring to Aetas) land back.’"
"For the record, our client vehemently opposes that baseless & very unfair accusation."
"She & her family are the absolute & registered owners of the parcels of land in Zambales, acquired through legal & valid means."
“Let this message serve as a stern & final warning to that fellow who made the disparaging remarks against Ms. Bea Alonzo on social media to retract his/her unfounded accusation & to cease from further making defamatory statements that bring disrepute to our client.
“Otherwise, we shall be constrained to initiate all the appropriate legal actions against him/her in no time.”
Batay sa update ay tila hindi pa rin tumitigil ang naturang netizen matapos depensahan naman ang kaniyang naunang tweet.