Natatawa na lamang ang aktres na si Andi Eigenmann sa tuwing naaalala nito kung gaano siya umiyak noon nang hindi siya napiling cast sa mga pinapangarap niyang television series characters na "Marimar" at "Dyesebel."

Sa kaniyang Instagram story, nag-reply ang aktres sa isang netizen na humanga sa ganda niya at nagsabing animo'y si "Marimar" si Eigenmann.

"Parang si Marimar. Ka guapa na lang," paghanga ng netizen.

"Fun fact" naman ang reply ni Eigenmann at sinabi na umiyak siya noon nang hindi siya na-cast bilang Marimar at maging ng sirenang si Dyesebel.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

"FUN FACT: I cried so hard when I didn't get cast as Marimar (FYI I was so young and I didn't even audition)(same w/ Dyesebel!!) But you get it! LOL! And now here I am living that Marimar and Dyesebel and Marina life in real life!! Manifestation is REAL!"

Matatandaa na si Marian Rivera ang gumanap ng Philippine adaptation ng 1994 Mexican television series na Marimar.

Samantala, ang 2014 Philippine fantasy drama television series na Dyesebel naman ay ginanapan ni Anne Curtis-Smith.