Hindi na itinaas ang tatanggaping honoraria ng mga gurong magsisilbing electoral board member sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan elections Oktubre 30, 2023.

Sinabi ni Commission on Elections (Comelec) chairman George Garcia sa panayam sa telebisyon nitong Sabado, hindi na nila inaprubahan ang kahilingan ng mga guro dahil sa kakulangan ng budget.

Dahil dito, tatanggap pa rin ng ₱6,000 ang mga chairman ng Electoral Board, ₱5,000 naman sa mga Electoral Board member, at ₱4,000 sa mga precinct worker.

Paliwanag din ng opisyal, binigyan ng ₱8.4 bilyon ang Comelec para sa pagpapaliban ng eleksyon na dapat sana ay gaganapin sa Disyembre 2022.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

At dahil ipinagpaliban na ang halalan, humirit ang Comelec ng dagdag na ₱10 bilyong budget, bukod pa ang ₱8.4 bilyon para sa eleksyon.

Nasa ₱2.7 bilyon lamang ang inilaan ng Kongreso para sa badyet nito ngayong taon.

Pagbibigay-diin pa ni Garcia, ang ₱8.4 bilyong budget nito noong 2022 ay sapat lamang para sa original honoraria ng mga guro.