Ikinatuwa ng maraming fans ng dating “ASAP Champions” na sina Erik Santos, Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go ang kamakailang reunion ng tatlo.

Ito ang makikita sa Instagram update ni Erik noong Huwebes, Enero 19.

View this post on Instagram

A post shared by Erik Santos (@eriksantos)

Tsika at Intriga

Cat Arambulo trending sa X dahil sa baha, insensitive nga ba?

All-smile ang tatlo sa kanilang reunion photo.

“20 years of friendship,❤️” mababasa sa caption ni Erik.

Pinusuan ng maraming netizens at fans ang pambihirang larawan na tatlo na magkakasama.

“Legit champs!!! 💖💖💖” komento ng isang fan.

“So happy to see you three again! Ang sarap sarap tingnan! The OG ASAP champs! ❤️❤️❤️”

“Naku the original champs. One concert please❤️🙏!”

“Night of the champions. That's the title of your show 18 to 20 z years ago in Araneta.”

“Wow so happy to see reunion ng favorite champions 😊❣️❣️❣️”

Si Sarah ay unang kampyeonato ng “Star For A Night” noong 2002. Si Erik ay produkto naman ng “Star in a Million” noong 2003. Noong 2004, wagi naman si Rachelle sa kaparehong talent reality show na “Search for a Star.”

Pinusuan ng nasa 26,000 netizens ang reunion photo ng tatlo.