CABANATUAN CITY, Nueva Ecija -- Nakasamsam ng halos kalahating milyong halaga ng umano'y shabu ang Nueva Ecija Police Provincial Office sa isinagawang anti-criminality operations nitong Biyernes, Enero 20.
Ayon kay Col. Richard V. Caballero, Acting Provincial Director ng NEPPO, nagsagawa ang pulisya ng buy-bust operation dakong alas-8 ng gabi sa Brgy. San Josef Sur, Cabanatuan City kung saan naaresto ang 58-anyos na drug trader mula sa Brgy. Bantug Bulalo, Cabanatuan City.
Nakabili ang police poseur-buyer mula sa suspek ng dalawang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.
Sa pagkakaaresto, nasamsam sa suspek ang apat na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 129.3 gramo ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P879,240, 25 piraso ng isang libong piso na boodle money, cal.45 armscor, at pitong ammunition.
Kakasuhan ng paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang suspek.
“We caught another big fish who is allegedly involved in big time drug transactions in the province. Rest assured that the province is safe as we never stop our campaign against illegal drugs,” ani Colonel Caballero