Huwag nang mag-atubiling yakapin ang iyong mga mahal sa buhay, lalo na’t ngayon ang araw ng pagyakap. Ngunit bakit nga ba naging National Hugging Day ang araw na ito?

Ayon sa ulat, itinakda ni Kevin Zaborney mula sa Clio, Michigan, USA, ang National Hugging Day noong Enero 21, 1986.

Pinili umano ni Zaborney ang Enero 21 bilang araw ng pagyakap dahil pinagigitnaan ng araw na ito ang pasko, bagong taon at araw ng mga puso. Batid niyang sa panahong ito nalulumbay ang mga tao.

Umaasa si Zaborney na sa pamamagitan ng pagtakda ng araw na ito ng araw ng pagyakap, mabibigyan ng lakas ng loob ang mga tao na yakapin ang kanilang mga mahal sa buhay na siyang magbibigay tuwa o magpapagaan sa kanilang nararamdaman.

Human-Interest

Color code sa shopping basket 'pag namimili sa dept. store, bet ng Pinoy netizens

Sa kasalukuyan ay ipinagdiriwang na ang Enero 21 bilang National Hugging Day sa buong mundo taun-taon.

“The purpose of this date is to promote the human connectedness through positive touch, and in this case, through hugging family and friends,” pahayag ni Zaborney.

Nagmula ang salitang “hug” sa salitang “hugga” na ang ibig sabihin sa Old Norse language ay “to comfort”.

Marami nang pag-aaral ang nagpapatunay na nakapaglalabas ng oxytocin o happy hormones ang pagyakap na siyang nakapagpapabawas naman sa stress o mabigat na nararamdaman ng isang tao. Makatutulong din daw ito upang mapabuti ang kanilang kalusugan.

Kaya naman huwag nang mag-atubiling yakapin ang iyong mga mahal sa buhay hindi lamang ngayong araw.

Happy National Hugging Day!