Wala man sa Pilipinas dahil sa pagdalo sa World Economic Forum sa Switzerland, nagpaabot naman ng mensahe ng pagbati si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. kay Ultimate Multimedia Star Toni Gonzaga-Soriano, na isa sa highlights ng kaniyang "I Am…Toni" 20th anniversary concert nitong Sabado ng gabi, Enero 20, sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.

Actually, isa talaga sa mga inaabangan ay kung pupunta ba sa naturang concert si PBBM, subalit nagkataon ngang sumabay ito sa WEF kaya wala ito sa mismong venue; pero siyempre, lahat naman ay nagagawan nang paraan, present pa rin ang kanilang ninong sa kasal ni Direk Paul Soriano sa pamamagitan ng isang video message.

Nagtilian at naghiyawan naman ang audience nang masilayan ang pangulo. Ibinahagi rin ang video nito sa Twitter account ng Araneta.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

https://twitter.com/TheBigDome/status/1616457184178745344?fbclid=IwAR0QQNJpkIUkNtr59-YN_lhQZnfWdLEIZPxNPxU-TR4iDVOxgoNiOEPB7JM

Nagpaabot ng pagbati ang pangulo sa matagumpay na concert ni Toni gayundin sa kaarawan nito.

"Happy birthdays to such an always inspiring lady, our very talented ultimate multimedia superstar, great mother and wife, my inaanak, Toni Gonzaga-Soriano."

"Balita ko, ipinagdiriwang mo ang iyong 20th year sa showbiz industry kaya naman nais kong ipaabot, hindi lamang ang aking pagbabati kung hindi ang aking taos pusong pasasalamat."

"You are one of the strongest, most God-fearing women I know... hindi ka nagpapatinag sa kabila ng mga batikos. Ang suporta mo ang isa sa mga naging matibay na sandigan ko sa aking paglakbay sa pagkapangulo," anang PBBM.

“On your birthday, I would like to thank you for all that you have done to help me. Thank you for everything that you do. You are a blessing to me and to us all. May you continue to inspire people with your talent, your grace, your strength in many, many more years to come. I’m always here for you. Happy, happy birthday, Toni.”

Nagpasalamat naman si Direk Paul Soriano, ang mister ni Toni, sa mensahe ng kanilang ninong para sa kaniyang asawa.

"Thank you Mr President @bongbongmarcos for your wonderful birthday message for my wife, Toni #HappyBirthdayToni," mababasa sa caption.

https://twitter.com/paulsoriano1017/status/1616463588646096896

Nagpasalamat pa si PBBM sa naging kontribusyon ni Toni sa kaniyang kampanya hanggang sa pag-awit ng Lupang Hinirang sa kaniyang oath-taking.

Si PBBM din ang unang nakapanayam ni Toni para sa pagbubukas ng kaniyang self-titled talk show sa ALLTV.

Alam naman ng lahat kung paano sinuportahan ni Toni ang pagtakbo sa pagkapangulo ni PBBM; kesehodang nakatanggap siya ng batikos mula sa mga netizen, at hanggang ngayon, ay nakatitikim ng "cancel culture".