Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Filipino community sa Zurich, Switzerland ang tagumpay ng kanyang pagdalo sa 2023 World Economic Forum (WEF) nitong Enero 16-20.

Ipinagmalaki ng Pangulo, maging ng ibang kinatawan sa WEF, ang kakayahan at kasipagan ng mga Pinoy, lalo na ng mga overseas Filipino worker (OFW).

Pinasalamatan ni Marcos ang nasa 14,000 na Pinoy sa Switzerland sa mga naitutulong sa ating bansa.

Tiniyak ni Marcos ang patuloy na pagpapabuti ng kalagayan ng bawat OFW at kanilang pamilya sa tulong ng Department of Migrant of Workers.

National

'Julian,' nakalagpas na malapit sa Sabtang Island, Batanes -- PAGASA

Kabilang aniya sa inilatag nito sa pagpupulong ang pananaw nito sa panukalang Maharlika sovereign fund.

Aniya, nasa proseso na ang mga mambabatas upang i-disenyo ang sovereign wealth fund na naaayon sa pangangailangan ng bansa.